The 27-year-old “Ultimate StarStruck” champ Mike Tan will mark his 10th year anniversary in show business next year and at this point, he can boast of longevity and having done worthwhile projects like the currently airing “Kambal Sirena.”
In an exclusive interview held at Café Breton on Tomas Morato in Quezon City, we asked Mike to ride a time machine in a journey to the past. In full throttle, he shows how it’s possible to remain down-to-earth despite being a star:
What’s your most memorable experience in showbiz?
“’Yung series na ‘Kung Aagawin Mo Ang Langit’ kasi ‘yun ang first break ko. Dun ko napatunayan na kaya kong umarte, mag-drama. Then nasundan yon ng ‘Legacy’ at iba din ‘yon kaya kahit paano, napakita ko ang versatility ko. Dun ako nagsimula magseryoso kasi before, ang akala ko sa pag-aartista, basta dumating ka, i-deliver mo ‘yung line mo in one take, babayaran ka, tapos na. Hindi pala ganun, kelangan mong pag-aralan, paghirapan.
“Nagkaroon ako ng punto na halos nawalan na ako ng trabaho dahil na din sa kagagawan ko. Sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi ako papayag na maging ganito lang ang takbo ng karera ko, kailangang may marating ako.’ Dun ako nag-invest, nag-theater ako, yung ‘Pamaypay.’ Sabi ko sa handler ko, ‘di na muna ako tatanggap ng kahit anong trabaho. Kailangan ko munang magimprove sa acting, mamuhunan.
“Every work na nakuha ko, nag-audition ako, nag-screen test. Walang inihain na lang.”
You once did a Holy Week special titled ‘Tanikala: Ang Ikalawang Yugto.’ What do you cherish most about it?
“’Yun ‘yung gumanap ako bilang isang closet gay. Masaya kasi in-appreciate nila ako dun bilang actor, na pinaunlakan ko sila. Hindi dahil ang guwapo mo, hindi dahil ang tangkad mo, kundi nakita nila ang mga pinaghirapan mo.
“Pero hindi ‘yun ang first gay role ko, kundi sa ‘Maynila.’ ‘Yung iba, puro light lang, hindi ‘yung may interaction sa mga lalaki.”
What do you remind yourself to pray for all the time?
“Ang magpasalamat. Everytime ‘yan. Pag nagda-drive ako nagpapasalamat ako na nakakapag-drive ako. Pag nagising ako, pasalamat agad.
“Syempre, humihingi din ako ng guidance and wisdom and courage and perseverance. Pero mas thankful ako lagi, kahit na anuman ‘thank you’ kasi ‘yon ang binigay sa akin.”
The first controversy you’ve read about yourself.
“‘Mike Tan, inihatid ng isang bading.’ Akala nila, isang director eh ‘yun pala, tito ko. Tawa ako ng tawa tapos tinawagan ko ‘yung tito ko, tawa din kami ng tawa. Sinabi ko din kay Direk, ang sabi niya, ‘Sana man lang eh hinatid nga kita, eh ni hindi nga!’”
Let’s test your short-term memory. What’s the last movie you saw and the last time you experienced LSS (Last Song Syndrome)?
“’Wolf on Wall Street.’ Ang bigat (ng movie)! Di naman ako fan ni Leonardo DiCaprio pero gusto ko ngang malaman kung bakit hanggang ngayon, di pa siya nananalo (ng Oscar). Ang problema lang, everytime kasi na gumagawa siya ng sobrang ganda, mayroon laging mas magaling na papasok kaysa sa kaniya. Parang lagi siyang naji-jinx.
“LSS? ‘Let It Go!’ Ang tagal na pero ‘yun pa din ang kinakanta ko, haha. Bigla na lang, bigla kong kakantahin. Pero hanggang (sings) ‘Let it go…let it go…’ tapos wala na.”
Name a veteran actor who gave you most precious advice.
“Si Tita Caridad Sanchez, nung mga ‘Basang Sisiw’ days. Sabi niya sa akin, na, ‘Nakita ko, meron ka eh kaya lang binibitawan mo madalas eh. Hayaan mo munang mag-linger.’ Pero sa akin mayroon akong sariling style na pag-arte na ayaw ko sa lahat nagli-linger. Kasi sa totoong buhay walang nagli-linger. Magli-linger lang ‘yan kapag nakakita ka ng magandang babae, pero kapag nagdadrama ka, hindi ‘yan maglilinger lalo na kapag mabilis ‘yang galaw mo.
“Tapos sinabi din sa akin ni Tita Caridad na ‘Sa lahat ng gagawin mo (sa pag-arte), makikita mo kung ano ‘yung mali, pero never makikita ng ibang tao ‘yan, so ikaw lang din ang magbabago ng pagkakamali mo. Ikaw lang din ‘yung magsasabi sa sarili mo na ‘yang ginagawa mong yan, may kaya ka pang i-improve pero ikaw lang din makakagawa nun.”
What’s your earliest childhood memory?
“Alam ko kung kelan ako nagsimulang tumayo. Sa bahay namin ‘yon, sa Mandaluyong. Nung tinanong ko ang mama ko, tama daw ‘yung sabi ko. ‘Oo, dyan sa may pader.’ Alam ko kasi na ‘yung mga kutkot sa pader na ‘yon, ako ‘yung gumawa.”
“Alam ko din kung kelan ako gumapang, paano ako tumingala, ilang beses akong tumumba, alam ko ‘yun.”
When was your first fistfight and with whom?
“Sa best friend ko. Alam mo ‘yung inaasar lang kayo ng mga kaibigan mo na magsuntukan? Pero hindi kami nagkapikunan, nagsuntukan lang talaga kami. Bigayan kami ng suntok, palakasan, tapos suntukan na! Pagkatapos nun, okay na kami ulit.”
Who is the first person you remember during good times? Bad times?
“Mama ko. Naaalala ko pero hindi ko tatawagan. Alam mo ‘yun? ‘Yung dahil sobrang kumportable ka na sa pamilya mo, naalala mo lang. Pero pag may gusto akong pagyabangan na isang bagay, nanay ko ‘yun eh. Kasi nanay ko, kahit na anong gawin kong pagyayabang, iisipin niya na share lang naman ‘yun.
“Pag bad times, sinsarili ko na lang. Tahimik kasi ako na tao. Iniisip ko ‘pag shinare ko, hindi lang maiintindihan or baka ma-burden pa ng problema ko, ‘wag na lang.”
Who’s your first best friend and what were the things you’d do together?
‘Siya yung nakasuntukan ko, si Mak-Mak. Actually tatlo kami, ‘yung isa nasa States na. Kalye akong bata. Nakipagpatintero ako, nakipag moro-moro ako, agawan-base, tumbang preso, text, pitik, dampa. Every night, mag-aantayan kami or magkakatukan kami niyan para mag-basketball sa babang kalye namin, may half court dun. Lagi akong matangkad sa kanila non pero lampa ako.
“Nahilig din ako sa video games. Adik (sa video games) nga ang tawag sa akin, hindi geek. Family computer lang, wala akong Nintendo kasi wala kaming pambili nun pati ‘yung SNES, mahal ‘yun eh.”
What’s a most memorable vacation?
“Wala kasi para sa akin, ang bakasyon isang malaking gastos, haha. Hindi, meron naman, nagbabakasyon din naman ako, like sa Vigan, pero sisiguraduhin ko na parang maliit lang ‘yung magagastos ko. Ang pinakamagastos ko na bakasyon ay ‘yung pumunta lang ako ng Boracay with the whole family. Kasi lahat ng girls sa bahay, August ang birthday nila so pwedeng isang bagsakan lang.”
Recall a recurring dream.
“Sa panaginip ko, sa lumang bahay namin, nagsu-zoom out lahat. Tapos non, alam ko nang nananaginip na ako ng masama. ‘Yun ‘yung trigger nun, yung nag-zu-zoom out. Tapos paggising ko, makakalimutan ko na lahat.”
How do you want fans to remember you when you’ve quit showbiz or retired?
“Tinatanong ko nga sa sarili ko ‘Hanggang kelan ka sa showbiz?’ Gusto ko mala-Eddie Garcia. Dito ako nagsimula eh, minahal ko ito, pinaghirapan ko ito eh, ang dami ko nang ginawa para dito…”
When was the last time you felt like a regular guy?
“Everyday. May isang taong nagsabi sa akin sa workshop, ‘Alam mo, ang pinakagusto ko sa iyo, hindi ka artista kumilos.’ Sa totoo lang, siguro magka-cap lang ako pero bababa pa rin ako at kakain ng fishball. Sa Mandaluyong madalas. Kadalasan kasi kapag magwi-withdraw ako ng pera, may fishball vendor din at kinakausap ko din siya. Or sa likod ng GMA-7, kasabay ko lahat ng staff. Sarap ng fishball dun eh. Kaya ko hanggang P50 worth na fishball.”
What’s a significant purchase you’ve made most recently?
“Ganito akong klaseng tao: Kahit na gusting-gusto ko na siyang bilhin, hindi ko pa rin siya bibilhin. Kumbaga dadaan na ako dun, titignan ko iyan, may pera na ako nun ha, kaya ko na siyang bilhin – pero next time na lang. Ganun ako. Para kasi sa akin, parang… tagal ko ngang hindi binili kinaya ko eh.
“Magkano yung iPhone 4 or 5? Nasa 40K? 40K para sa telepono? Ang phone ko 4S pero hindi ko siya binili. Kasama siya sa plan. Ganun. Pero hindi ako bibili ng phone. Ang huli kong biniling phone ay Walkman phone ng Erickson na binili ko pa sa Greenhills para mas mura.”
If you were reborn but allowed to remember one thing about this life, what would that be?
“Kung gaano kahirap ang buhay. Kasi kung hindi mo alam yung hirap ng buhay, hindi mo maa-apreciate lahat ng pinaghirapan mo. Sa akin, alam ko na kung paano mawalan so bakit ko pa gugustuhing bumalik dun?”
Mike Tan and the time machine
Source: Mb.com.ph (April 02, 2014 at 05:26PM)
Continue...
No comments:
Post a Comment